Sabado, Oktubre 20, 2012


                                                           HELLO... MY LOVE



“ hannah!! Hannah…!!”

Ayan nanaman ang malamegaphone na boses ng aking bespren…

“oh??” ang taray ko noh?haha.. hayaan., sanay na yanJ

“kasi .. kasi ..  kasi   ahh.,  si  .. s i..  si  ano.. si zayn.. nakaonline..”
Sabi niya habang hinihingal ..

Ako naman, as usual., tulala nanaman., marinig ko lang pangalan niya, natutulala na ako., hay!! 3years na akong nagkakanito.. ang nakakaasar pa, di man lang niya ako mapansin-pansin habang ako, 3years nang nagsusuffer..huhu., .

“oh ano?? Tutulala ka nalang dyan?? Tutulala?? Tutulala?? Sige., tutulala nalang tayo dito..”

Ayun nga, ginaya ako., tumulala rin ang loka., baliw talaga., di na ako magtataka kung paano ko ito naging bestfriend ..^__^ kaya naman., hinila ko siya at kinaladkad.. haha., joke lang.. joke lang ulit.. kinaladkad ko nga siya pero hindi yung todo todo  ^__^

“ ano ka ba?? Diba ikaw ang sidekick ko? Dapat alam mo na yung gagawin mo.. dapat hinila mo na ako.. hay naku! Utak naman ohh.. UTAaaKK!!!”  hekhek..

“pasensya naman daw..”




Pagdating namin sa computer shop., facebook agad.. weehh.. THIS IS IIIITTT…chance ko na ‘to.. chance ko nang makachat siya ^__^ omy!!! Omy..omy..omy.. makakachat ko na siya..wiieeeh…

Si zayn.. crush na crush ko yan.. mahal na mahal na nga ee.. diba?? Yung echos echos  4months thingy.. pag 4months mo  na raw crush ang isang tao., LOVE  na raw na yun.. kaya love ko na siya *__* <3__<3


“LOVE??!!”

=.=  ….. 
O_o ???
O__O !!!!

MINDREADER??     ume-Edward Cullen ng twilight??

Bigla tuloy akong napatayo at lumayo kay Emma..

“LOVE?? Mindreader ka teh??  Bakit alam mo iniisip ko? HUH??! Huwag mong sabihing nababasa mo nasa isip ko??”

Sabi ko sakanya.. gulat na gulat pa rin..

=.=    ----- > siya yan..
0_0 ---- > ako ito..

“ oh?? Bakit ganyan ka makatingin? Tinatanong lang naman kita kung mindreader ka L

“ ang OA mo kasi ATI.. ! bawas- bawasan mo nga yang panunuod mo ng fantasies.. kung anu-ano mga iniisip mo!!! Hmp! “

Sabi niya sabay balik ng tingin sa monitor.. kumalma naman ako.. at umupo  na rin..

“eh panu mo kasi nalaman yung nasa isip ko???”

“ anong nasa isip mo??”

“yung..yung ano.. yung LOVE thingy..” sabi ko na para pang nahihiya..

“anong binasa sa isip??!! Sa monitor ko yun binmasa  ui! Hindi dyan sa isip mo..  aynakupo!! Tignan mo kaya ohh..!”

Ayyy..kala ko mindreader si ati..haha
^__^…

  =_=….

  …0__0..
O__O…

“WHAAAAT???”

“ANONG IBIG SABIiiasdfghjklmn..”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan nan i emma yung bibig ko..waaah???! what is the meaning of that??? T_T

“ huwag ka ngang maingay!! Painagtitinginan na tayo ohh..”

Tumingin naman ako sa paligid at waaaahhh!!!
Nakakahiya!! Pinagtitinginan na kami.. wait.. irephrase ko.. dahil  ako lang.. pinagtitinginan AKO ng mga tao.. at higit sa lahat.. waaaah!!! Huhu..

si ZAYN! Nakatingin sa akin.. grabe!! Nakakahiya to the highest level nga ‘teh!!

Bakit andito siya?? Sinusundan ba niya ako?? Naman!! Napakafeelingera ko talaga.. baka naman si emma yung sinusundan niya??

Chinat niya nga ito.. ang masaklap pa.. ang sabi niya., “hello MY LOVE” W/ matching <3 pa..huhu
paano na ang lovelife ko?? Paano na??huhu..wala na..habambuhay na akong single..huhuhuhu :’(

Bumallik na ako sa upuan ko at doon nag emote..
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa harap ng lalagyan ng monitor at ipinatong ko run ang ulo ko na parang umiiyak..
Maya-maya., may naramdaman akong tumabi sa akin..

“ ok lang ako emma.. sige sa’yo nalang siya.. alam kong sa’yo siya sasaya at masaya na akong Makita siyang masaya..”
Sabi ko habang nakauob pa rin..

Narinig ko siyang tumawa ng mahina.. kaya iniangat ko na ulo ko sabay sabing….

“ BAKIT KA PA TUMATAWA?? OO ALAM KO.. ALAM KONG  IKAW ANG GUSTO NIYA.. IKAW ANG MAHAA.. MAAA.. “

Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil isang gwapong nilalang ang ngayon ay nakatayo sa aking harapan.. isang anghel.. anong nagawa ko upang biyayaan ako ng ganito??  Kung anuman yun.,, MARAMING MARAMING SALAMAT PO..  ^_____^

“ma??”
“ a..a..an… anong.. gi..gina..ginaga..”

“MAHAL KITA..”

Huh?? Ano raw??

“HUH??”

“ sabi ko mahal kita..”

“ anoo???”

“ ano to?? Paulit ulit?? Unli?? Unli??  Sabi ko MAHAL KITA PRINCESS HANNAH MONTEMAYOR..”

Anong sabi niya?? Nabingi ata ako run ah?? Nagkamali ba ako ng dinig?? Paki uli nga ULIT..

“ sabi ko mahal kita Hannah.. aking prinsesa..”

Napatingin naman ako sakanya..

“ a..akala ko ba.. mahal mo bestfriend ko?? Diba nga chinat mo pa siya.. sabi mo pa nga.. “ HELLO MY LOVE..”

Sabi ko sabay pout..

Ginulo naman niya buhok ko sabay ngiti at sabing..

“ maraming namamatay sa maling akala MAHAL KO.. pero hindi ako papayag na kasali ka sa mga mamamatay.. dahil magmamahalan pa tayo habambuhay…”
>///<

“ HUH ??!”
Feeling ko.., daig ko pa ang kamatis ngayon.. ang init init na ng pisngi ko >///<
Naguguluhan pa rin ako…

 Tinuro naman niya yung monitor ng computer na gamit kanina ni emma kanina… at nakita ko yung message ni zayn na “HELLO… MY LOVE” at nagulat ako nang makitang ACCOUNT  KO pala ang gamit niya…

Dali-dali akong tumayo upang mapantayan si zayn.. tsaka ko siya niyakap…

“ MAHAL DIN KITA MIGUEL ZAYN FORTEZ…”


                            ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~END~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento